
Isang munting saglit na silip
Sa labi ng bote ng beer
Sabay lulon sa pangalawang tingin
di alam kung ano ang ibig mong sabihin
Sabay dampot sa leeg ng santo
Hawak na kay lupit ng higpit
Sabay lingon papalayo
Itinatanggi ang pinapayo ng utak ko
Maingat na dampot ng pulutan
At dahandahan pagsawsaw
Sinasabay sa pag-iisip...dinadasal
Na di mo mahalata
Para kasaguta'y di mapilit
Isang hudyat...wagayway ng kamay sa waiter
Isang tikum at manipis na ngiti
Isang lingon di mapatingin
Di alam kung anong ibig sabihin
No comments:
Post a Comment